"Rebound"

3.6K 12 3
                                    

-

Kamusta? Balita ko wala na kayo..wala na kayo nung pinag palit mo sa akin..yung dahilan kung bakit nawalan ng tayo..
Balita ko iniwan ka niya..
Kamusta? Masakit ba? Yung iwan ka ng walang dahilan.... Yung saktan ka kahit hindi mo naman alam kung bakit...
Masakit ba?
Kamusta? Umiiyak ka ba? Dahil sa paglayo niya? Nasasaktan ka ba?
Masakit diba? Kasi ganyan yung ginawa mo sa tulad ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ka, at ikaw naman ang nang iwan.
Hinihiling mo din ba na bumalik siya sayo? Alam mo ganyan ako noon.. ng lokohin mo ako.
Baka may bago na yan kaya ka iniwan.
Parang ginawa mo saakin..sabi mo cool off lang pero wala pang isang buwan may bago ka na, na ngayon ginago ka. Masakit ba?
Kulang pa yan,
Pero dapat lang sa tulad mo yan,
Hindi ko nga alam kung magagalit ako o matutuwa..
Magagalit dahil iniwan ka niya..
iniwan niya yung mahal ko, yung mahal na mahal ko. O matuwa dahil hindi man ako ang dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon pero atleast naranasan mo yung pinadama mo saakin na sakit.
Sakit na pilit kinakalimutan at pait ng nakaraan.
Natanong ko nga eh pano kaya kung tumagal tayo at hindi nag karoon ng kayo, masasaktan ka din ba ng ganyan?
Kung tumagal kaya tayo...mamahalin mo ba ako ng totoo? Yung totoo, yung walang biro.
Alam mo ba kung ano pinagkaiba namin? Siya shinota mo kasi gusto mo, ako shinota mo dahil pinili mo'ng paglaruan. Siya minahal mo ng seryoso, ako minahal mo ng hindi sigurado. Siya iniwan ka pero ayaw mo, ako? Iniwan mo dahil rebound lang naman ako.
Rebound...sa larong basketball hinahangaan, sa larong pag ibig ginawang kalokohan.
Pero kahit minsan ka na di'ng naging dahilan ng pagluha ay papatawarin pa rin kita kahit masakit pa rin na makita kang masaya sa piling ng iba.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now