"Tatanggapin mo pa ba siya?"

1.7K 7 4
                                    


-
Umiiyak ka nanaman ba?
Dahil ba sa kaniya?
Oo at hindi lang ang sagot sa mga tanong na nilalamat na dahil hindi makasagot, dahil mahal mo pa.
Babalik pa ba siya?
Tatanggapin mo pa ba siya?
Kung sakaling kumatok ulit siya sa puso mo'ng inaayos mo pa dahil sa paglisan niya ng walang dahilan at walang paliwanag kaya hindi malinaw ang sakit na nadarama sa araw araw na lumilipas.
Paglisan,
Pag-iwan,
Na parang walang pinagsamahan, parang walang nangyari..na parang wala lang.
Kung sakaling bumalik siya..tatanggapin mo pa ba siya? Yayakapin ng mahigpit hanggang sumikip at hahalikan na hindi mo na papakawalan hanggang mapagod at habulin ang hininga at hindi na pipiliing lumayo pa. O tama na..
Tama na ang katangahan na tumagal na ng araw,lingo at buwan..o maski taon. Tama na ba? Ang katangahan, ang desisyon na pinagsisihan dahil sa kaniya na pinabayaan ka lang?
Tama na ba..kahit alam mo na mahal mo pa...
Mahal mo pa ang nanakit sayo ng husto..
Mahal mo pa ang taong hindi mo alam kung mahal ka ba..
Pag balik niya ano kaya ang mararamdaman mo? Tatakbo kaya ang puso mo sa sobrang saya na nadarama o mababalutan ka ng galit at sakit na nadarama..huling tanong at sana sagutin mo na.. Tatanggapin mo pa ba siya kung sakali...







A/N: kayo readers! Tatanggapin mo parin ba ang taong iniwan ka na? Bakit? Comment kayo ^-^ wag KJ hehehe

Thank you sa suporta ^-^

Vote,Comment,Support or share


Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now