"Kayo kaya nasa kalagayan ko?"

16.1K 25 4
                                    


-

Mga salita na hindi mabigkas,
Mga ebidensiya na lumipas,
Ang pag kakataon na makalaya ay tila kumupas,
Pero ang pag asa ay hindi parin mag wawakas.
Bully? Biktima ako ng pang aapi ng iba dahil sa aking anyo...
Normal lang naman ang mataba, pero bakit sa iba hindi kaayaaya,
Normal lang naman ang hindi kagandahan, pero bakit sa iba parang ang hirap tanggapin.
Nasasabihan ng mga salita na nakakasakit, pinagtatawanan dahil pangit.
Saan kami lulugar? Saan ako lulugar? Sa mundong puno ng judgemental.
Sasabihin niyo na biro lang ang lahat pero kayo kaya nasa kalagayan ko? Yung tipong iparamdam na ang pangit ko, na ayaw niyo ako kasama dahil hindi ako maganda..
Kayo kaya nasa kalagayan ko? Yung alam mo na nga, alam ko na nga na panget ako ipamumukha mo pa sa lahat!
Kahit na sabihin pa nila..ng iba na wag mag paapekto, na wag sila pansinin...kayo kaya nasa kalagayan ko? Kung kaya niyo maapply sa sarili niyo mga sinasabi nila.
Hindi mawawala ang bully sa isang paaralan...
Hindi mawawala ang mang huhusga sa anyo na pinahahalagahan..
Masasabi pa bang biro? Kung araw araw at umabot na ng taon ang pang tritrip niyo saamin, saakin?
Bakit feeling ko tuwing mag susumbong ako sa nakatataas ay parang away kinder lang ang nangyayari? Hindi binibigyan ng halaga...ayos lang naman na pagtripan niyo ako pero wag naman panghabang buhay.
Yung tipong natatakot na akong pumasok dahil sigurado akong ipamumukha niyo nanaman na ang pangit ko hanggang sa maisip ko na hindi ako bagay sa mundong ito.
Pero dahil sa pambubully niyo...natuto akong lumaban, natuto akong ipagtanggol ang sarili ko kahit hindi ako manalonalo sa inyo. At natuto akong mag panggap na ayos lang ako...

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now