"Nakalimutan ko ng kalimutan ka"

1.4K 11 0
                                    


Bibitaw na ba?
Susuko na ba?
Ipipikit ko na ba?
Ano ba talaga ang totoo? Mahal pa ba kita o ayaw ko lang talagang kalimutan ka?
Ang layo na natin sa isa't isa ngunit patuloy parin akong ibinabalik ng mga pangako mo sa akin sinta.
Paano ba umalis? Paano ba sumuko sa mga pangako mo? Paano ba lumisan? Paano ka ba kalimutan? Dahil nakalimutan ko na... Kung paano ba..
Para akong nakakulong sa isang lugar na madilim, walang labasan at nakakandado parin ako sa ating munting alaala. Nasa akin ang susi ngunit bakit ayaw gumalaw ng aking mga kamay pilit kinikilos ngunit patuloy parin'g umaasang bumalik ka. At ako'y iyong yakapin at sabihin na di ka na aalis sa aking piling..
Pero naglaho ang pag asa kasabay ng pag alis ng liwanag na nag sisilbing ikaw.
Ikaw, nainaasahan kong babalik..
Ikaw, na minamahal ko parin kahit ang dilim ay tirik,
Ikaw, na hahalik sa aking labing sabik.
Ngunit.. matutupad pa ba ang mga ito kung wala ka na sa tabi ko o baka nga may nag mamay-ari na sa puso mo.
Nakalimutan ko ng kalimutan ka..
Pero matanong ko lang.. Naaalala mo pa ba ako?
Ako lang naman yung pinaasa at umaasa at pinangakuan mong babalikan mo.
Ako lang naman yung taong nag mamahal parin sayo kahit iniwan mo.
Ako lang naman yung nag hihintay na bumalik ka sa piling ko.
Ako lang naman...ito. Ako lang ito kaya ayos lang sayo na talikuran at iwan ako.
Paano ba bumitaw?
Paano ba lumisan?
Paano ka ba kalimutan?
Halos araw araw ko ng tinatanong, kung paano nga ba? Kung bakit ikaw parin kahit wala naman na tayong komunikasyon sa isa't isa?
Napapatanaw na lang ako sa kawalan, at iniisip kung kailan ba tayo mag kikita ng personalan..
Ngunit nawawalan na din ng pag asa, dahil tinataboy mo na din ako sa iyong alaala. Patawad. Kung nakalimutan ko ng kalimutan ka.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon