"Mahal kita"

2K 7 0
                                    

-
Sabi mo "Dito na natin iwanan ang lahat" ganyan ka talaga kabait sa akin noh? Alam mo na nga, ramdam mo na. Ang pag ibig ko ay nasa'iyo parin. Pero bakit ganun...tila para akong tanga.. na habol ng habol sayo sinta.
Kasi mahal kita, pero ako? Tinutulak mo na palayo, at ikaw nang aakit ng ibang babae sa paligid. Nakaharap man ako o nakatalikod ay wala kang pake basta may maakit ka lang.
At ako, pasimpleng natatawa sa iyong pinaggagawa. Pero sa totoo ako ay nasasaktan sa iyong mga desisyon. Pwede mo na mang sabihin na tigilan na kita,
Na layuan na kita,
Pero bakit... ikaw pa ang nagbigay ng dahilan para hanapin ka.
Mahal kita pero di kita kilala, nakilala kita sa mundong puno ng kasinungalingan, sa mundong ito na aking kinagigiliwan.
Mahal kita, pero di ko alam kung pano to mawala.
Sinubukan ko mag mahal ng iba at dumating nga iyon. Pero napagtanto ko na dapat.. wag na lang.
Ayaw ko'ng may masaktan, ayaw kong gawin ang ginawa mo sa akin. Ayaw ko.... dahil ikaw ang mahal ko.
Isang tanong pero di masagot ng mga tao na nagmamahal mag isa tulad ko.
"mahal ko o mahal ako?"
Ang sagot ko... wala.
Dahil mahal ko nga... di naman ako mahal,
Mahal ako, pero nasasaktan ko naman.
Pero aminin niyo.. na kapag hindi niyo naman to nararanasan ay pumipili kayo ng isa, tama o mali pero yun ang totoo.
At ngayon.. may hiling ako na sana "mahal, kausapin mo naman ako. Kahit saglit lang at ako ay may sasabihin sayo" gusto ko sabihin ang salitang mahal kita, kahit alam kong magmumukha lang akong tanga. Gusto ko ipagsigawan, gusto ko sabihin na mamahalin kita kahit hindi mo ako kayang mahalin. Basta mahal, mahal kita.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin