"Magpakasaya"

970 7 0
                                    


-
Magpakasaya sa simpleng liwanag na naaaninag,
Magpakasaya sa simpleng nakikita ng mga mata,
Magpakasaya sa simpleng kwentuhan ng barkada o pamilya, maparami man o dalawa.

At magpakasaya sa napakagandang kalikasan na aminin na natin na kadalasan hindi natin napapansin o nabibigyan ng halaga.

Magpakasaya ka, tayo sa handog at napakagandang awit ng mga ibon, ang hangin na nakakapagpaalis ng pagod sa atin.

Halika mag saya tayo.

Hayaan natin na tayo'y dumulas sa slide na matagal ng nasa gilid.

At humiga sa damuhan at ipikit ang mga mata na matagal ng nakamulat at pagod na pagod na. Ipikit at pakiramdaman ang mga ibon na umaawit at ang hangin na sumasayaw na dumadampi sa ating katawan.

At dumilat muli at panoorin ang kalangitan. Mga ulap na nag hahabulan, ang bilog na haring araw na kumakanta. Hindi mo ba napapansin ang kanilang talento?

Akala niyo siguro mga tao lang ang binigyan ng talento. Pero ang kalikasan na araw araw natin nakikita pero di napapansin ay puno ng napakagandang talento na araw araw sila ay nagtratrabaho ngunit di natin nabibigyan ng pansin kahit saglit..

Tanungin mo nga ang sarili mo, kailan ba yung huling beses na pinakinggan mo ang kalikasan? Kailan ba yung panahon na nakausap mo ang kalikasan?

Kahit hindi sila nabibigyan ng halaga ay patuloy ka o tayo parin nila pinahahalagahan at binibigyan ng magagamit sa araw araw na ito.

Magpakasaya sa simpleng mga bagay bagay na nasa harapan mo.
Magpakasaya at ipunin lahat ng masasaya, o kung minsan man bumagsak ang iyong luha sa iyong mga mata. Sa sakit o hinagpis. Kaya ito lang ang masasabi ko sayo..  Magpakasaya ka. Dahil isa lang ang buhay natin pag namatay ka hindi mo alam kung saan ka mapupunta. At baka sa mapuntahan mo'ng lugar hindi mo na maranasan na kantahan at masinagan ng haring araw. Kaya wag mo'ng sayangin ang araw na ito at sa mga susunod pa.. magpakasaya ka.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum