"Dulo"

1.3K 6 0
                                    

-

Magandang araw sa ating lahat mapagabi man o umaga, walang pinipiling oras ang pag iisip ko sayo. Walang tigil sa pagtatanong ng bakit..
Bakit tayo pinag tagpo?
Bakit hanggang dito lang?
Bakit ganito ang dulo ng ating istorya?
Bakit nawalan ng tayo?
Ito na ba ang dulo sa pagitan nating dalawa?
D.. Dapat itigil na dahil nasasaktan na tayong dalawa,
U.. umiiyak ng walang katapusan.. kahit tapos na ang ating pansamantalang pag mamahalan,
L.. lilimutin na lang ang nangyari kahapon hanggang masabi na lang na tapos na ang bangungot,
O.. oo mahal mo ako at mahal kita.. pero mukhang hindi tayo para sa isa't isa.
Kaya ganito ang ating dulo sa pagitan nating dalawa..
Dulo na nakakainsulto,
Dulo na parang bato na matigas at multo na mag paparamdam na lang kung kailan niya gusto.
Bakit kung kailan makakamove on na ako... bakit kung kailan hindi na kita kailangan.. bakit kung kailan kaya ko na...
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon lang..
At magsasabi ka na mahal mo ako, tapos aalis ka ulit at kakalimutan nanaman kita.. na parang ang dali dali..
Na parang ganito lang..
Oo na, pinagtagpo tayo.. hindi tumagal kaya ganito ang dulo.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now