"Paasa ka"

833 3 0
                                    

PA A SA.. kabilang ka ba diyan?
O lahi mo na yan?
Nang una tayo mag kita, sabi mo ako na ang para sayo..
Nang maging tayo, sabi mo tayo lang walang iba, sabi mo mahal mo ako at syempre dahil marupok ako naniwala ako dahil nga shonga ito.
Pero bakit parang kulang pa ako para manatili ka?
Hindi naman ako mahigpit sayo pero bakit bumitaw ka?
Bakit mo ako iniwan kung mahal mo pa ako?
Bakit mo sinasabing mahal mo ako pero wala ka para patunayan ang tinatak mo sa isipan ko?
Paasa ka, alam ko.. dama ko.
Pero alam mo ba na mahal kita? Syempre oo kasi alam mong marupok ako.
Bakit kasi ganyan ka? Pinapakita mong may pag asa pa at para mapasok sa isip ko na baka pwede pa pero sa tuwing mag tatagpo tayo lumalayo ka. Ano ba talaga?
Pag ako lumayo, lalapit ka.. ako naman itong sobrang rupok kaya napaamin din na mahal ka pa pero ang sagot mo sa sinabi kong mahal kita "sorry" ganun lang ba?  Ganun lang ba talaga?
Akala niyo kasi sa amin isang sorry lang ayos na?
Akala niyo kasi pag nasaktan kami tapos mamaya tapos na, sana ganun lang yun pero hindi.
Ilang araw muna kaming gigising na may muta dahil sa kakaiyak,
Ilang oras sa isang araw muna kami makakaramdam at mag tatanong sa mga tanong na kahit kailangan hindi mo na sagot.
Ilang beses pa ba akong matutulala sa kakaisip kung anong ginagawa mo.. pagod na ako sukong suko na ako.. hirap na hirap na ako.. ang sakit sakit na.. pero mahal.. parin kita kahit paasa ka.. ang shonga lang diba?
Alam mo ba, umaasa parin ako sa tamang panahon na sinabi mo.. sana nga may tamang panahon satin pero napagtanto ko na walang tamang panahon dahil kung ikaw ang para sakin hindi mo ako iiwan at sabay natin itatama ang mali na naisama sa ating pagsasama. Pero mas pinili mong mangako kaysa tumapad at panindigan ang pangako na iyong pinako sa mundong bato na pinaranas mo sa tulad ko.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon