"Sayo lang"

4.9K 28 0
                                    


-
Tanda mo pa ba yung mga araw na lagi tayo mag kasama?
Yung sabay tayong tatawa dahil sa walang kwenta,
Yung tipong hindi na tayo makahinga dahil sa sobrang saya na nadarama.
Tanda mo pa ba.. yung umiyak tayo sa harapan ng isat isa? Na dahil lang sa mga taong hindi tayo tanggap kung ano o sino tayo.
At minsan nga, sinusubukan nating ipagtanggol ang sarili natin laban sa kanila, pero sahuli iiyak at tatawa parin tayo dahil sa kalokohan na hindi maikwento maigi sa iba..
Pero...
Tila bakit parang nag iba ang ihip ng hangin?
Bakit parang nag iba ang ikot ng mundo?
Bakit parang hindi na kita kilala?...
Nag bago ka na! Hindi ikaw ang kasama ko!
Nag bago ka na! Hindi kita kilala!
Nag bago ka na!
Akala ko hindi ko kaya mawala ka,
Akala ko malulungkot ako,
Akala ko..
Akala ko lang pala,
Ayos lang kahit hindi ka na bumalik, dahil wala ka ng babalikan.
May mga kasama na akong bago,
Na parang ikaw may bago na,
May kasama na ako sa kalokohan na bago,
Parang ikaw may kasama na sa kaloko--- ay este sa bago mong trip,
May kasama na ako sa kalungkutan,
Ewan ko lang ikaw..
Nag bago ka na..
pero hindi ako mag babago,
May originality kaya ako..
Pero sayo? Oo nag bago na ako sayo.. take note
Sayo lang..

THANK YOU 

TWITTER: MS_SPOKENP

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now