"Akala ko"

1.6K 9 0
                                    

-
Mahal, nandito nanaman ako sa aking kwarto inaalala ang nakaraan, ang ating mga pinagsamahan.
Mahal, nandito ulit ako hindi mapigilan ang mga luhang pinagkaitan ko'ng bumagsak at ilabas dahil sa dahilan na ayaw ko ng magpakatanga, umiyak dahil sayo, dahil ulit sayo.
Pero mahal bakit ganito? Hindi pa rin kita malimutan, akala ko okay na ako,
Akala ko nakamove on na ako,
Akala ko kaya ko na,
Akala ko mahal. Akala ko.
Ang hapdi na ng aking mga mata dahil sa pag iyak, kasabay ng sipon na lumalabas saking ilong,
Ang aking puso na humihingi ng tulong
Mahal, hagkan mo ko kahit ngayon lang.
Sana mag kausap tayo bago matapos ang taon, mahigit kalahati ng taon ikaw lang ang aking iniisip araw araw, dahil walang araw na hindi ako nag tanong sa hangin na
"kamusta ka na?"
"Ano ba ginagawa mo?"
"May mahal ka na bang iba?"
Mahal, sige na sabihin mo ulit sakin na mahal mo'ko kahit ngayon lang. Mahal, sorry hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kaya'ng kalimutan ka. Patawad.
Akala ko kasi, nakalimutan na kita. Pero bakit biglang ganito? Naalala lang kita sa isang bagay na sana nagawa mo rin sakin. Sana pinag kait mo rin ako sa iba,
Sana ginapos mo rin ako sa kadena ng iyong pag mamahal,
Sana nag tagal ang tayo.
Pero.. hindi, hanggang sana na lang talaga ako.
Hindi ko alam kung masasaktan o maiinggit sa mga mag jowa na nakakasabayan ko.
Akala ko kasi hindi na ako umaasa na magiging tayo ulit,
Akala ko kasi tanggap ko na... tanggap ko na na hanggang dito lang talaga,
Akala ko kasi, pag hindi na kita nakakausap makakalimutan na kita.. akala ko. Mahal, akala ko lang pala.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now