"Paaralan nga ba? o Paligsahan?"

1.6K 23 0
                                    


Wag kang pabibo, pareho lang tayong istudyante sa paaralan na ito.
Pabibo minsan salita, kadalasan IKAW. Maraming klase ng pabibo..
Una yung sagot ng sagot hindi naman kausap, yung tipong nag tanong ka sa guro tapos magsasalita yung pabibo na kesyo sasabihin walang kwenta tanong mo. Edi ikaw na matalino!
Pangalawa.. yung magtatanong ka ulit tapos sasagot siya na akala mo naman alam talaga dahil una sa lahat hindi ikaw yung tinatanong! Wag kang epal.
Pangatlo double kill dahil pabibo na nga sipsip pa.. yung gagawin lahat ng sinabi ni teacher kahit hindi naman sinabi na siya ang gumawa tapos hindi sasabihin sa iba at isasarili lang tapos mag rereklamo na pagod na siya WOW HA!... amazing..
Mga guro.. hindi ko sa nilalahat pero ayon sa lahat ng mga nakasalamuha kong guro ay iba iba ang gusto..
Una.. bakit ba nag kakaroon ng sipsip sa paningin ng iba?  Dahil favoritism si sir at ma'am. Kung sino ang makita niyang kumikilos yun lang ang uutusan niya, hanggang close na sila. At parang mag babarkada na. Dahil umangal man kayo o hindi.. wala man akong gawin o sabihin pero alam ko nakikita niyo ang tunay na nangyayari..
Pangalawa..
Sa grade.. pag matalino ka lahat ng attention na sayo, katulad pag nag karoon ng mga grupo lahat ng tao ikaw ang gusto.. ipapaulit ang bilangan para ikaw ang makasama..
Pero sa pinapakita ng mga taong ganyan ay wala silang tiwala sa napili nilang kasama at lalong lalo na sa kanilang sarili.
Kamusta naman yung mga sakto lang.. karamihan ay walang may gustong magtiwala sa kakayahan nila dahil.. ang tingin ng iba sa kanila sakto lang bobo lang tanga lang.. triple kill.
Dahil pag matalino at  nasa mataas na rangko ikaw ang gusto ng tao at guro. Pero kapag ikaw ang sakto makikita mo ang sinasabi ko.
Minsan napapaisip ako.. paaralan nga ba ang pinapasok ko o paligsahan kung saan kailangan mauna para pagkatiwalaan ng mga tao.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Onde histórias criam vida. Descubra agora