"Kaibigan"

76.9K 151 29
                                    

-
Kaibian..
Ang tawag sa mga taong laging andyan para sayo,
Kaibigan..
Ang tawag sa mga taong umiintindi at dinadamayan ka sa mga problemang paparating at andyan na,

Mga mag papangiti at mag papatawa, sa mga oras na kailangan mo ng kasama..

Kaibigan ko sana wag kayo mag bago,
Dahil isa kayo na hindi pwede mabili ng kayamanang handog ng mapanlinlang na mundong to,

May mga kaibigan na pansamantala lang at mayrong pangmatagalan..

Isang pansamantala na kasama sa isang nakaraan na ang sarap balikan pero hindi na pwedeng ulitin pa,

Isang pangmatagalan na handang mag sabi ng "hindi kita iiwan"

Dahil hindi sapat na dahilan ang "mas kilala kita kaya ikaw ang kaibigan ko" dahil ang totoo, ang tunay na kaibigan mag bago man ang taon , mag bago man ang itsura ay kaibigan paring maituturing.

Kaibigan.. ikaw ang aking
Kapatid
Karamay
Nanay
Tatay
Kapamilya
Ikaw ang kaibigan ko na hindi pwedeng mawala sa piling ko.

Masyado man akong madrama pero sana tanggapin mo ang hiling ko na wag ka umalis, na bumalik ka kung pano kita nakilala, kung pano kita kinausap, kung paano nag simula ang lahat..

Masyado man akong madrama
Sa paningin ng mga taong wala namang pakielam talaga,

Masyado man akong maingay..
Pero gusto ko lang malaman ng lahat na ikaw ang kaibigan ko.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now