Silid

594 3 1
                                    

Apat na sulok, iba't ibang taong nakasalamuha.
Ang bilis ng panahon, tila parang kahapon lang nag simula ang lahat.
Naalala niyo pa ba? yung unang araw ng tayo ay mag sama sama, unang araw ng pasukan lahat tayo ay may hiya, at kaba na kasama. Bawat hakbang sa silid nangangamba.. "tama ba itong pinasukan ko?" natatakot mapahiya.
Nakakakaba, lalo na at ako ang una mag papakilala... nanginginig, di alam ang sasabihin.. dahan dahan tinignan kayong lahat.. "kayo na ba ang bago kong kasama sa pahinang ito?"
isa isa na nag pakilala. Mga bagong mukha na araw araw ko na makikita.
Bagong kaklase ang makakasama ko sa dalawang taon.
Mga bagong kaibigan na makakasama ko sa kulitan, at pagbili ng makakain sa kantina.
Bagong kaaway na nakakabwisit, at bagong kaibigan na plastic.
Sa loob ng silid, maraming ganap.
Mga inaaral ang paksa para sa nalalapit na pag susulit pero sa huli mag kokopyahan lang din naman.
Mga nag kokompetensya sa klase at nag papataasan ng marka.
At syempre marami din na ugali na bubuo ng high school life mo.
Sila yung mga, maiingay.. mag uusap na nga lang mag sisigawan pa, mga pabebeng babae at maaarteng binabae at mga loko lokong lalaki na pwede mo makasagutan sa loob ng silid. Meron din yung mga tahimik dahil nahihiya, at may tahimik na walang pakielam sa mundo. Mga chismosa ng taon, mga mapang asar, mga painosente at hindi na inosente, mga away sa loob ng silid, mga tawanan, mga kantahan, at sayawan. Naipon lahat sa aming silid.

Pero.. ang bilis ng araw, akalain mo dalawang taon na pala.. ilang araw na lang at tayo ay mag hihiwahiwalay na. Pero sana walang kalimutan.

Sa dami ng ating pinag daanan, tumatak sana sa ating isipan.. mga aral na natutunan hindi man galing sa paksa pero galing sa ating napag daanang mas nag patibay pa sa ating samahan.  Sana ang inyong mukha ay muli ko pang masilayan kahit na karamihan satin ay mag aaral sa malayong eskwelahan.

Wag tayong manghinayang,
Wag kayong umiyak, pigilan mo ang luha mong pumatak dahil ang diyos ay may balak.
At sana mga alaala sa silid ay sa isip niyo itatak. Wag kakalimutan mga panahong lumipas na tayo ay magkakasama. Mga panahong tinatago niyo ang gamit ng isa't isa at hihintayin umiyak ang nabiktima.

Hanggang sa muli nating pag kikita..classmate.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now