"Tiwalang naglaho"

2.8K 13 0
                                    

-

Ang sarap mag mahal
Ang sarap iparamdam ang pag mamahal
Masaya sa pakiramdam
Masaya..
Pero bakit?
Bakit kailangan dumating ang mga maimpluwensiyang tao?
Dito sa dating mapayapang mundo,
Dito sa lugar kung saan tayo nag tagpo,
Kung saan sinagot kita ng oo,
Kung saan ka nangako na ngayon ay napako...
Hindi mo nga ako iniwan
pero sinaktan mo naman ako ng pino!
Ang sabi mo kakilala mo lang,
Ang sabi mo ako lang,
Pero bakit ang dating kakilala mo ay parang may kayo?
Bakit ang dating tayo ay parang ako na lang?
Ang sabi mo mahal mo ako..
Kung mahal mo ako, bakit ganito?
Bakit parang gusto mo ng bumitaw?
Bakit parang ako na lang?
Nag mumukha na akong tanga
Nag mumukha na akong desperada
Pero hinihintay ko parin na ako... Ako parin..
Pero..
Nakita ko kayo..
Nag haharutan sa kanto
Na bumibili ng kikyam sa harap ng tindahan ni aling Susan.
Oo nga pala kakilala mo lang..
Kahit kung maka haplos sa balat mong kasing kapal ng mukha mong lokohin at gaguhin ako!
Oo nga pala kilala mo lang,
Sino ba naman ako?
Ako lang naman yung shinota mo para isama sa listahan ng mga niloko mo!
Ngayon wala na..
Yung tiwalang binigay ko sayo
Nang sagutin kita ng oo
Ay naglaho na sa isang iglap na ginawa mo!
Yung tiwalang naglaho ay mas lalong lumabo
At napuno ng sakit sa puso.

At hanggang ngayon masakit pa rin..

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now