"Crush, para sayo to"

1.4K 11 0
                                    


Crush may sasabihin nga pala ako sayo..
Alam mo naiinis ako. Parang mas okay pa ata noong taken ka pa kasi hindi ka lumalapit sa iba, pero ngayon single ka na at hinahayaan mo lang na landiin ka nang iba.
Pero mas nakakabwiset yung harutang babae na lumalandi sayo kahit may boyfriend na nga siyang iba. Gusto pa atang makuha ka. Kalaban ko na nga yung ex mo na mahal mo pa, pati ba naman si ate girl? Oy girl, dumistansya ka naman di ka lang maharot eh buhakaw ka pa. Gusto mo sayo lahat.
At ikaw naman crush umayos ayos ka nga diyan di porket walang tayo... Oo nga pala noh.. walang tayo..
Bakit ba ako nag rereklamo? Sa issue na wala naman dapat ako.
Eh wala eh.. Ikaw yung gusto ko.. Ano magagawa ko? Sabi nga sa kanta diba.. "Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito"
Kaya tuwing lalapit ako sayo nagiging komportable ang paligid ko, feeling ko safe ako. Hindi naman ako tulad ng iba na pag nandyan si crush sa malapit halos mamatay na.
Ako kasi, nasanay na akong itago yung feelings ko para kay crush kaya yun para sa kanya friends pero sakin happiness.
Crush, para sayo to..
Crush, ayaw ko umamin natatakot ako baka yung pag kakaibigan na meron tayo mawala pa ng parang isang iglap.
Nakakatakot mereject pero mas nakakatakot mahulog ng mas malalim sayo.
Kakapit sana ako kaso marupok eh kaya yun nalaglag ako.
Alam mo ba yung alamat ng tanga? Nabuo yun noong maging tanga ako sayo.
Eh yung alamat ng pitik?
Nag simula yun  noong putak ako ng putak na hindi ako mag kakagusto sayo kaso tinamaan ako ng lintek yan tuloy nahulog ako sayo ng isang pitik.
Ito yung sekreto ko na hindi ko maamin amin sayo dahil alam ko naman kung kanino umiikot ang mundo mo.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now