"Barkada"

6.1K 39 1
                                    

Barkada, pitong letra isang grupo ng mga gaga. Charot lang pero aminin kadalasan kalokohan ang pinaiiral yung kahit nag kasala na tumatawa pa.
Masaya mag karoon nang isang barkada na totoo sa isa't isa.
Sabi nila mamili ka ng pakikisamahan mo, pero sa totoo lang hindi mo kailangan mamili dahil tadhana ang maglalapit sainyo.
May iba't ibang uri ng barkada, at sa oras na mabuo kayo at mapapaisip ka na.. sakto kayo sa isa't isa. May iba't ibang klase ng barkada.
May barkada na team RK , yung ang daming pera pang kain sa mcdo, jollibee, inasal at kung saan saan. Tapos ang lalakas ng loob, kumakain sa klase di marunong mahiya pero kapag oras ng meryenda iba iba ginagawa.
Meron pa yung team walwal, maraming ganyan yung inom ng inom tapos pag bayaran tulog na.  Tapos yung iba mag aaya ng inuman tapos tatanungin ka ng tatanungin kung bakit siya iniwan, bakit ganito, ganyan, yung feeling na wala kang masagot sa quiz pero sa paquiz bee ni bes pasado ka.
Tapos yung barkada na lahat may shota. Yung kapag wala kang shota tingin nila sayo ang lungkot ng buhay mo. Ang malala pa hindi ka ligawin o sagutin kaya ang ending iniisip mo "wala kang kwenta". Tapos mag popost ka sa social media na " 2 type of me, walang nag mamahal, walang kwenta". So para saan pa yung pamilya mo? Display?
At meron pa yung barkada na team oks lang, yung laging gipit, yung maraming bawal, bawal uminom, bawal gabihin ang uwi, dapat detelyado kung saan pupunta. Okay lang naman kami. Yung hindi napupuntahan at nabibili ang gusto. Oks lang talaga.
Ano pa ba? Marami pang uri ng barkada pero syempre hindi yan mabubuo kung wala ang mga miyembro.
May iba't iba kasing klase yan.
Unang una sa listahan yung mga joker, syempre pag joker ka dapat lahat ng banat mo nakakatawa pero ang mahirap sa pagiging joker yung kapag oras ng pakapalan ng mukha ikaw yung itutulak. Kahit na kabado ka dapat feeling strong ka parin.
Sunod yung kasamahan ni joker, kasi dapat laging may kasama yan hindi pwede mawala yung isa, pag gumawa ng kalokohan yung dalawa edi ang saya pero kapag problema na ang dala kayo na lang ang magkakilala yung iba kunwari hindi kayo kabarkada. Pero hindi naman lahat kasi yung iba sama sama.
Tapos yung mga drawing,
Yung mag outing kayo pero dekada na plano parin.
Sunod yung internet, kasi ang tagal ng signal ng kokote niya, yung ang tagal mag loading. Yung kanina niyo pa kasama hindi parin alam kung saan kayo pupunta, yung kanina pa kayo nag uusap pero hindi niya parin alam topic. Tapos meron pa yung kaibigan na KJ, yung mag lalaro kayo tapos kapag may punishment mag aayaw na. Yung iyon na nga lang ang bonding niyo ayaw pa.
At hindi rin mawawala yung kaibigan na study hard, dapat laging nasa top. Siya yung dahilan kung bakit ka nag rereview  kasi hindi payag ang samahan kung hindi kumpleto ang barkada na gagala.
Tapos yung mga fashionista, ang gaganda ng damit tapos kadalasan sila yung laging nahuhuli sa meeting kasi namimili pa ng isusuot. At ang ending kayo mag aadjust.
Tapos meron pa yung kaibigan na talkshit, yung magkikita kayo tapos tatawagan mo siya kung nasaan na at ang sabi papunta na. Edi ikaw naman nag madali na pero ng makarating ka at tumawag ulit ang sabi niya maliligo lang daw. Kaya ending ikaw yung maghihintay.
At meron pa yung assumera, yung nakainom lang ng alak feeling niya walwal na yun. Tapos nag aassume na gusto siya ng lumalapit sa kanya kaya ang ending yung lalaki o babae ay pinaasa siya pero ang totoo nag assume lang ang gaga.
At napakarami pa.
Kung feeling mo plastic sila, wag ka mag alala feeling din nila yun sayo.
Bawat araw na kasama mo sila ay pahalagahan mo dahil ika nga walang permanente sa mundo, wag ka magalit kung mang iwan sila, ang mahalaga naging parte sila ng buhay mo. Maging masaya sa piling nila at maging matibay sa oras ng problema. Kaya kabarkada, sabay tayong aabot ng bituin. Kahit mahirap aabutin natin ng magkakasama, salamat sa barkada na tatawagin kong pamilya.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now