"Dakilang Tanga"

1.2K 13 0
                                    

-

Mahal.. kamusta ka na?
Ang tagal na nung huling makausap kita, bawat online mo sa facebook hinihintay ko, mga post mo na kahit hindi para saakin ay hinahanap ko.

Mahal, naaalala mo pa ba ako?
Ako nga pala yung limang araw mo'ng nakasama, pinaramdam mo na ako lang at ikaw wala ng iba pa.

Sana naalala mo pa..
Sana masaya ka na..
Sana natagpuan mo na yung babaeng tunay na para sa iyo.

Wrong timing kasi yung nangyari satin, pero siguro ngayon sa babaeng kasama mo ay siya na.. siya na talaga.

Pero di ko pa rin maiwasan ibulong, hilingin na sana ako na lang.. sana tayo na lang ulit.

Pero hanggang pangarap na lang ako, hanggang imahinasyon na lang, at napakaling ilusyon.

Mahal, sana makausap kita kahit isang araw lang,

Sandali lang.. kahit yun lang bago ko kalimutan itong feelings ko para sayo na masiyado ng matagal na nakakulong sa puso ko, at napakarami ng salita, linya, hugot na sinagot ko sa mga tanong na bakit.

Bakit nga ba ganito pa rin ang lahat.. mag iisang taon na pero ikaw pa rin ang gusto ko. Mag iisang taon na nandito pa rin, naririnig ko pa rin, ang sinabi mo'ng.. Mahal kita..

Dakilang assumera,
Dakilang gaga,
Dakilang tanga..

Ako ata yan? Oo, ako yan. Napaka assumera, yung tipong nireplyan mo lang yung isang text ko inaassume ko na "baka may pag asa pa"

At gaga, tinanong mo lang ako ng "kamusta na?" sumagot naman ako ng ayos lang kahit hindi pa.

At napaka dakilang tanga.. akalain mo yun... mag iisang taon na hindi pa din ako naka move on sayo sinta, pero ikaw nakailang jowa na. Ako ito tanga pa rin sayo sinta.

At paulit ulit ko pa rin sinabi na mahal kita..

Spoken Word Poetry(Tagalog)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora