"Bakit ngayon pa?"

1.2K 9 1
                                    

-
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pa kung kailan gustong gusto na kita?
Bakit ngayon pa kung kailan nakalimutan ko na siya..?
Pinili ko na ituon ang attention ko sayo, pinili ko na ibigin ka at tuluyan siyang ibaon sa limot, sa lahat.. pero bakit ngayon? Bakit ako nanaman yung talo? Ako nanaman yung napaglaruan? Akala ko seryoso ka,
Akala ko gusto mo ako,
Akala ko mahal mo talaga ako,
Pero bakit? Wala pang tayo pero sumusuko ka na. Kaya pala parang wala lang sayo kasi marami ka ng nasaktan... at ako nailista na sa listahan ng mga nabigo dahil sayo.
Noon ikaw.. ikaw na ang unang nag sasabi ng salitang "mahal kita" paulit ulit... paulit ulit at walang araw na hindi mo sinabi sa akin ang katagang yan..
Pero bakit ngayon? Tila nakalimutan mo na ata ang linyang yan, tila para akong tanga na nag hihintay sa katagang yan..
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan kailangan kita? Bakit?
Bakit??
Ngayon.. hanggang iyak na lang ako,
Ngayon.. tulala na lang ako sa isang sulok.. na nagsisisi bakit ako nag paloko sayo.
Bakit sayo na alam kong manloloko talaga,
Pafall, playboy.. pero bakit kasi ako? Ako pa yung nilandi mo? Bakit ngayon pa!? Bakit sakin pa!? Sakin pa na hindi marunong lumimot! Sa nakaraan! Sa pangyayaring nagaganap! Bakit ngayon pa.... kung kailan mahal na kita?

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now