Pagiging Matatag

1.4K 3 0
                                    


Wag kang mag mukmok,
Wag kang umiyak,
Wag kang mag patalo sa takot at kaba.
Wag kang mahiya sa mga taong nakatingin.
Dahil tumatakbo ang oras maraming mawawala.
Kaya halika at maging matatag tayo.
Kung pakiramdam mo sa twing nakatingin ang mga mata nila sayo, wag mong isipin dahil panget ka... isipin mo dahil maganda ka at kakaiba sa kanila.
Kung sabihan kang mataba, wag mong damdamin.. isipin mo cute ka.
Kung sabihan ka nila flat wag mong pansinin dahil inggitera sila.
Kung feeling mo pinaplastik ka nila dahil sa itsura mo hayaan mo lang at maging masaya ka.
Hindi yan pagiging GGSS, pagiging matatag iyan sa mga tulad mo, tulad niya, pati tulad ko na rin at tulad nating lahat na mapanghusga. Kaysa umiyak at mag mukmok sa kawalan. Bakit hindi na lang sabayan para may mapala naman.
At lagi niyong tatandaan..
Hindi ka panget, kakaiba ka at nag iisa sa mundo.
Hindi ka mataba, pinalaki at binuhay kang malusog ng pamilya mo kaya wag kang mahiya dahil ang cute natin.
Siguro nga flat ka.. eh ano naman? Inggitera lang kasi yung iba.
Maging matatag tayo para sa lahat at sa sarili natin. Wag mag papatalo sa mga pinili ang limang daan kaysa sa tamang daan.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now