"Salamin"

284 2 0
                                    

Itatanong ko ulit sana kung kumusta ka na?
Baka kasi nakalimutan mo na kung sino ka,
kung ano ka,
O kung gaano ka kahalaga dahil parang idinedepende mo na lang ang sarili mo sa opinyon ng iba.
Oo, mahirap na hindi sila mapansin.
Mahirap kalimutan ang mga salita nilang tumatagos sa inyong pandinig,
At bumabagabag sa iyong dibdib.
Kahit na kadalasan ay alam mo naman na hindi iyon totoo pero dahil sa mga kwento nila ay kumukunot ang iyong noo.

Totoo nga bang hindi iyon totoo o hindi mo lang kilala ang sarili mo?

Kaya tinatanong kita ngayon, kumusta ka na?

Napapansin mo bang may nag bago na?
O ikaw pa rin 'yung kaharap ng lahat simula noong nakilala ka nila?
Pasensya na kung sa palagay mo inuhusgahan kita, gusto ko lang ipaalala sa 'yo na kasama ka rin sa iba, na bumubulong at nagbubuhol ng kwento para sa ibang tao na satingin mo ay may mali sa kanya.

Napapansin mo na ba?

Ang mga malalansang nabubuong salita na umiikot sa iyong katawan na dahilan kung bakit naaamoy ka nila.

Normal lang naman na may mapuna ka o tayo tungkol sa tao pero lahat ng bagay ay limitado, lalo na kung hindi mo alam kung paano o saan ka hihinto. Sabi nila, walang mararating ang taong hindi marunong tumingin sa pinanggalingan.

Kumusta?
Nasubukan mo na bang pakinggan ang mga salita mo para sa iba?
Nasubukan mo na bang tumingin sa salamin para makita kung ano nakita nila?
Nasubukan mo na bang alamin kung sino ka ba talaga?

Walang perpektong tao sabi nga nila pero kung gugustuhin magustuhan ng iba ay uumpisahan natin ayusin ang sarili, hindi man perpekto pero pwede ka maging karespe-respeto.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now