"Hindi lahat nang nag sisimula sa asaran ay nauuwi sa PAG-IIBIGAN"

936 11 0
                                    


Bakit sa dinamirami ng tao sa paligid ko, bakit ikaw pa?
Bakit sa dinamirami ng pwede, bakit sayo pa?
Hindi ko naman sinasadya na mahulog ako sayo, pero simula pa lang inaasahan ko nang hanggang magkaibigan lang tayo.
Napapaisip ako nang makita kita na kung paano gumuho at pumatak ang mga luha mo dahil sa kanya, napapaisip ako dahil dapat masaya ako kasi yung mahal ko wala na sila ng mahal niya pero sa nakikita ko at nararamdaman ko.. nag kamali pala ako. Dahil nakikihati ako sa sakit na nararamdaman mo. At napagtanto ko na hindi ako ang kailangan mo.
Noong una ko'ng maramdaman ang pagsikip ng dibdib ko habang nakatingin sayo, agad kong pinigilan ang sarili ko pero habang pinipigilan ko mas lulamalala ang damdamin ko para sayo.
Pasensya, hindi ko talaga sinasadya.
Napapatingin ako sa malayo,
Napapaisip ako ng malabo,
Bakit sa lahat ng pwede.. bakit sayo pa'ng komplikado?
Malabo, kasi malabong mahalin mo ako.
Komplikado kasi hindi pwede, hindi dapat sayo.
Nakakainis dahil noon naman ni tabihan at masagi hindi mo nagagawa saakin, kasi ayaw mo kasi ang panget ko. Pero bakit ngayon? Ngayon pang gusto na kita, lagi kang nasa tabi ko at handa akong alalayan. Siguro dahil magkaibigan na tayo. Kaya ganun na ang pakikitungo mo sa akin.
Pero tanggap ko nga ba to?
Sapat na ba ang pagkakaibigan natin?
Noon naman maging kaibigan mo lang ang gusto ko pero bakit ngayon... parang hindi pa sapat.. hindi ko tanggap.
Sabi ko nga pinigilan ko,
Itinigil ko,
Kinalimutan ko,
Kaso pabalik balik lang ako sa tanong na "bakit ikaw pa?".
Bakit kasi ikaw pa?
Bakit ganun minsan na nga lang ako mag mahal doon pa sa may mahal ng iba?.
Nag simula tayo sa asaran, pero ngayon papatunayan ko'ng hindi lahat nang nag sisimula sa asaran ay nauuwi sa pag-iibigan yung iba nauuwi sa pag-KAKAIBIGAN LANG. hanggang doon lang PERIOD.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon