"Anong mali?"

200 2 0
                                    


Heto nanaman ako.
Muling nalulungkot, nalulungkot sa bigla mong paglisan.
Muling nangangamba kung ikaw ba ay babalik pa.
Ang dami kong gusto itanong sa iyo ngunit hindi ko magawa dahil iniwan mo akong mag-isa.
Hanggang kailan ako magdurusa sa dahilan na ikaw naman ang nagpasya.
Hanggang kailan ako matutula habang iniisip kung paano mo ako nagawang iwanan.
Iniwan sa kawalan, iniwan sa panahong ikaw na ang mundong iniingatan.

Heto nanaman ako.
Nag-iisang hahanapin ang sarili sa mundong tayo ang bumuo pero ako na lang ang natira.
Ano bang mali?
Sa pagpili ng taong mamahalin bakit parang lagi akong talo.
Ano bang mali?
Panahon nanaman ba o ako talaga?
Naguguluhan ako dahil wala ka rito para sagutin ang mga katanungan ko sa iyo, sa tayo.

Ilang luha na ang tiniis upang hindi ka tuluyan lumisan.
Ilang bangungot na ang nilabanan para mawala ang takot na ikaw ay bumitaw.
Ilang gabi na ang pinalampas at umasang hindi mo ako susukuan, hindi mo susukuan ang merong tayo.
Ano bang kulang?
Ang hindi ko naibigay, na nakita mo sa iba.
Puwede naman natin pag-usapan, 'di ba?
Ano bang sobra?
Ang kinasawaan mo na.
Puwede mo naman ako pagsabihan.
Ano ba ang sapat na dapat para sa iyo?
Ako ay nahihirapan sa paglalakbay natin na akala ko ay walang hangganan, bakit bigla kang nawala?
May mali ba sa akin?
Bakit mo ako biglang iniwan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now