"I'm sorry"

1.6K 8 0
                                    

"I'm sorry" ang iyong sinabi ng malaman mo'ng nasasaktan parin ako sa nakaraan na pilit kinakalimutan pero hindi mapigilan at muling binabalikan.
"Tinanggap ko na ang sorry mo.. matagal na" ang tugon ko sa sinabi mo. Totoo yan tanggap ko na pero siguro hindi ko pa tanggap na mawala ka sa piling ko mahal.
Mahal, may iba ka na.. matagal na dahil taon na rin ang nakalipas simula ng nag paalam ka.
Mahal, tanggap ko ng walang tayo pero di ko matanggap na mawala ka sa piling ko. Ayos lang saakin kung kaibigan mo lang ako.. kung doon lang tayo tatagal kaya sana kahit nalaman mong mahal parin kita sana wag ka lumayo sinta. Wag mo akong layuan dahil mahal kita bilang kaibigan at higit pa. Ayos lang sakin kung hanggang kaibigan lang ang tingin mo saakin basta sana wag ka na ulit lilisan.
Ayos lang mahal nakaibigan mo lang ako sa mundong mag kaiba ang ating gusto.
Mag kaiba kasi gusto kita at may gusto kang iba.

"Im sorry talaga" muli mong sinabi at pakiramdam ko wala na talagang pag asa dahil hindi pa nag uumpisa sumuko ka na.

Ilang beses ako nag paramdam na mahal kita at sana tayo pa.
Pero ilan beses mo rin binalewala at hindi parin ako sumuko baka sakaling may pag asa pero muli mong sinabi "Im sorry" ngayon naintindihan ko na.. ang salitang TAMA NA.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now