"Nagtapat"

3.6K 28 0
                                    


-
Nag tapat... sa iyong harapan
Ang isang tulad kong mahiyain
Nag ipon ng lakas ng loob para masabi sayo ang sinisigaw ng damdamin.

Hindi maipinta ang kaba
Sa tuwing andyan ka na sinta,
Nagtapat,
Saiyong harap
Na pinapangarap
Na kahit mabigo
Ay mag mamahal parin ng wagas,
Sapagkat hindi dahilan ang pag kabigo,
Para hindi na mag mahal ng seryoso.

Nagtapat saiyong harap
Na kita ang ulap
Mula sa taas
At kita ang mga mapag mataas,

Minsan nakakatakot magtapat
Sa taong hinihiling mong sapat,
Natakot ako
Baka layuan nya ako
Dahil ayaw nya ako
Baka mapahiya ako
Dahil ayaw nya ako

Pero napag tanto ko...
Ano naman kung ayaw nya ako?
oo, masakit
Pero nalagpasan ko ang pag subok
Na hindi ako tiyak
Kung malalagpasan ko ba ito o ako'y babagsak
Na parang patak
Ng tubig mula sa matang pumapatak..

Nagtapat sa iyong harapan..
Tumawa ka sa aking harapan
Ang sakit ng aking nararamdaman
Dahil sa pagtapon
Mo sa aking inipon
Mula nung unang araw na ika'y hinangaan.

Nagtapat ng seryoso
Pero ginawa mong biro
Lumaki na ata ang iyong ulo,
Dahil sa ginawang pagtatapat na ginawa mo nga'ng biro.









Twttr:Ms_SpokenP

Spoken Word Poetry(Tagalog)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ