"Pagbabalik Ng Alaala"

511 5 0
                                    


Isang hangal na maisip ulit kita,
Isang kataksilan ang maalaala ka pa,
Isang bangungot na masabi kong ikaw ang paborito kong bida sa aking akda.
Isa, dalawa.. hindi kalahati kundi dalawang taon na simula ang mundo natin ay nagsama. Nakasama kita ng kaunting panahon pero sumama ang kaunting alaala mo sa akin hanggang ngayon.
Ganito ba talaga ako mag mahal kahit sa taong hindi ko pa kailanman nasilayan? Ang dali ko naman umibig at ang tanga ko pag dating sa larangan ng pag ibig..
Napapatingala sa langit, nakatingala ka rin ba?
Naalala ka sa bawat araw, ganun ka rin ba?
Sumusulat ng tula, habang ikaw ay nag sasambit ng 'mahal kita' sa iba..
Ayos lang sakin.. ako naman ang pumiling wag umalis at mahalin ka ng wagas..
Mas pinili kong mahalin ka sa imahinasyon..
Mas pinili kong tignan ka sa pekeng larawan..
Mas pinili kong wag kang kalimutan..
Mahal kita kahit hindi mo na malaman pa..
Gusto ko lang sambitin at aminin na mahal kita at ayaw ko ng itanggi sa sarili ko ang pagbabalik ng alaalang kailanman hindi nawala..
Pero wag ka mag alala tanggap ko na na kahit kailanman hindi ako ang para sayo. Kahit mahal kita. Pero kung sa iba ka masaya..masaya na rin ako. Kasi pagkatapos nang ilang beses kong pagpaparamdam sayo mas pinili mo pa rin lumayo.. Kaya napakatanga ko naman na kung pati ba naman pag layo sayo hindi ko pa pipigilan.. Ilulugar ko ang sarili ko pero wala ng pwedeng makapigil pa kahit sabihin mo pang tama na.. dahil.. mamahalin pa rin kita. At higit pa. Kahit hanggang alaala na lang.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now