"Mauubos pa kaya?"

1.2K 5 0
                                    

-

Mauubos pa kaya?
Ang mga salita'ng pwedeng bitawan sinta.
Mga salitang nauulit na lang at nababago pa... bakit tila di na papagod sa kakaiyak at drama ng mga mata'ng gusto ng tumahan na.
Mauubos pa kaya?
Ang sakit na dinulot mo sa akin.
Sabagay ako naman yung tanga.. mahigit kalahating taon na ang lumipas pero tila ang alaala ng pag sambit mo ng mahal kita ay hindi parin kumukupas.. ang bilis ng panahon, noon tayo pa ngayon may iba ka na at ako mahal ka pa.
Mauubos pa kaya?
Ang pag ibig na napuno para sayo, ang pangarap na inayos para sayo, ang alaala na inayos mahalin mo lang ako.
Mauubos pa kaya?
Ang imahinasyon na bumalot sa aking isipan, ang imahinasyon na binigyan ko ng pag asa para lumaban. Mauubos pa kaya?
Ang pag iisip kung kamusta ka na, kung ano ginagawa mo, kumain ka na ba? Naligo ka na ba? Masaya ka ba? Naglalaro ka ba ng basketball at nag mamahal ng iba? Umiinom ka ba kasama ang barkada na lagi mo'ng kasama?
Mauubos pa kaya? Ang lahat ng to? Ang pagmamahal sayo ng wagas.
Kailan ba,
Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? Ang simpleng pagsubok na hindi ko man lang malagpasan. Sana katulad na lang ito sa larong bomber friends. Alam mo ba yun? Yung tatakasan niya yung mga kalaban para manalo. Paano ko ba na sabi na sana ganun na lang din dito sa kalagayan ko? Dahil may level kasi sa larong yun na hindi ko kinaya.. kaya ang ending dinelete ko at kinalimutan na. Sana ganun din dito, sa puso ko yung pag dinelete ko na lahat ng konektado sayo. Kaya ko na ri'ng kalimutan. Pero hindi eh! Hindi.
Nandito ka parin! Minamahal at ayaw pakawalan. Nandito pa rin.. at ako habang sinusulat ang tula'ng to ay may nabubuong luha sa mata ko. Totoo to! Hindi to basta gawa lang! Totoo to MAHAL KITA.
Mauubos pa kaya? Ang pag sambit ko na mahal kita...

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now