"The more you hate, The more you love"

1.7K 17 0
                                    


Nag simula tayo sa asaran, bolahan, lambingan, at kwentuhan.
Naging masayang matalik na mag kaibigan.

Pero hindi akalain na mag tatapat ka sa akin ng pagmamahal mo na hindi ko inasahan na parehas tayo ng nararamdaman para sa isa't isa.

Nag kaaminan, nag mahalan, nag karoon ng tayo..

Tayo na parang solo natin ang mundo,

Walang sila,
Walang problema,
Walang hadlang..

Sabay tayo nangarap na magtatagal tayo.
Sabay tayo nangarap na walang iwanan at sukuan.

Sabay natin haharapin ang lahat.. lahat..

Pero tila nag iba ang ikot ng mundo,
Tila nag kagulo gulo,
Tila parang may bago sa sarili nating mundo..

May bago nga ba?

Bakit tila umiiwas ka sa mga tanong ko? Na kung tutuusin..

oo at hindi

Lang naman ang sagot

Pero hindi mo masagot kasi.. oo? May bago? Sino? Bakit naman.. alam mo na mang may tayo?

Pero kung hindi.. mahal sagutin mo naman ako dahil litong lito na ako

Lumipas ang oras, at araw..na hindi ka man lang nag paramdam

Pumunta ako sa lugar kung saan nag babakasakali na andun ka.. at tama ako nandun ka..

May kasamang iba,

May katawanan na iba,

May nag papangiti sa'iyong iba!

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig na sa sobrang lamig ay ang mga binti ko ay nanginginig sa aking nasasaksihan..

Nakita mo ako.. nakatayo sa harap niyo, pero imbis na habulin at kausapin mo ako. Ay hinayaan mo lang ako at iniwan na parang walang tayo..

Pero hindi! Ako ang pumigil sayo umalis!

Sa huling pagkakataon.. "mahal mo ba ako?" Tumingin ka sa mga mata ko na parang wala lang sayo ang lahat at sumagot ka ng oo..

Pero bakit mo ako ginaganito?!

At ang sagot mo... "mahal kita bilang isang matalik na kaibigan"

Lumuha ako sa harapan mo na parang tanga dahil ako'y naguguluhan..

Diba kasi may tayo? Pero bakit ganito?..

"Pero ang sabi mo.. wala lang ang lahat.. hindi tayo mag tatagal dahil isa akong walang kwenta at ang paraan lang para mag tagal tayo.. ay maging magkaibigan na lang"

Aba! Gago ka naman pala! Pag katapos mo akong paniwalain na may tayo ay iiwan mo na lang ako kung kailan hulog na hulog na ako sayo!

Bakit ganito?
Bakit ganyan?
Sabi mo mahal mo ako?
Sabi mo walang dulo dahil hindi tayo maghihiwalay at tuloy tuloy lang tayo?
Bakit ngayon... tila naloko ata ako..

Nang isang tulad mo na walang alam kundi manloko,
At ito ako yung tanga na umasa at nagpaniwala sayo..

Napakagaling..

At ngayon may gana ka pang sabihan akong "bitter"? Wow magic! Napahalakhak tuloy ako sa kalokohan mo

Nahiya nga ampalaya sayo dahil tinalo mo pa siya sa kapaitan, buti si ampalaya may makukuha ka pang nutrients..
Eh sayo ano? Mukha ka ngang parasites!

Pero kahit patayin naman kita hindi pa din mawawala ang sakit na dinulot mo sa akin.

Pero tama na.. valentines day na..mahalin natin ang isa't isa. Sabi kasi nila "the more you hate, the more you love" so mamahalin na lang kita kasi kabaliktaran non ng sobrang galit ko sayo!

Pero wag na natin pahabain dahil ito lang masasabi ko sayo.. ang mga katulad mo'ng paasa.. at manloloko ay hindi iniiyakan.. dapat diyan pinagtatawanan at pinapalitan!

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now