"Masaya ako basta masaya ka"

1.1K 7 0
                                    


Sabi nila totoo ang pag ibig mo kung handa ka'ng maging masaya para sa kanya kahit hindi ikaw ang dahilan.
Noon hindi ko maintindihan ang linyang iyan,
Dati wala akong paki elam.
Pero bakit ngayon? Bakit parang totoo..
May nagustuhan ako isang taong nag mamahal ng iba, nakatali sa iba.. noong una di ko inaamin o maamin amin sa sarili ko na gusto ko siya kasi hindi pwede. Sila nang jowa niya ay may parte sa akin na ayaw ko sila mag hiwalay.. ewan ko ba. Pero dumating yung panahon na umamin na din ako sa sarili ko, pero tanggap ko naman na mag kaibigan lang kami.. mag kakilala lang..
Noon sinasabi ko sa sarili ko na kapag sila nag hiwalay masasaktan din ako noong una dahil para saakin sila lang.. Pero bakit ngayon? Nang malaman kong wala na sila.. tapos na. Dobleng sakit ang nararamdaman ko, hindi dahil wala na sila.. Kundi dahil nasasaktan ang taong tinutukoy ko. Mukhang hindi na talaga sila magbabalikan pero kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya, sa boses niya,
sa kanyang ngiti na pilit.
At ito na naman nandito na si SANA.
Sana kaya ko siyang pasayahin
Sana maging  ayos na siya,
Sana bumalik na ang dating siya,
Sana ako na lang.. Pero charot lang. Kasi alam ko naman, at handa akong gawin ang lahat hanggang sa kaya ko mapasaya ko lang siya, maging masaya lang siya kahit masakit na...
Masakit, kasi single na siya at nilalandi siya ng maharot na gagamba. At sa nakikita ko masaya naman siya kaya sige okay lang.. ayos lang ako. Dahil alam ko naman na hindi na siya mag mamahal ng iba dahil sinabi niya sa akin ang katagang.. "Hindi na ako mag mamahal ng iba pero umaasa parin ako sa kanya" sa kanya.. na sinaktan ang taong gusto ko ngayon. Pero para saakin ngayon.. masaya ako basta masaya ka.
Kaya nandito ako sinusuportahan ang mga desisyon mo kahit hindi mo alam, kahit wala kang paki elam.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now