"Malaya ka na"

1K 12 0
                                    


Paano ko ba sisimulan ang tulang ito?
Na iaalay ko para sayo.
Paano ba nag simula ang ikaw at ako?, hanggang maging tayo.
Babalikan ko at muling ipapaalala sayo ang nakaraan na hindi ko papayagan na maging alaala na lang.
Naalala mo pa ba? Yung unang araw na pinagtagpo tayo ni tadhana at dahil sa malilikot kong mga mata ay ikaw ang nakita.
Agad kong pinagtanong ang pangalan mo, at hinanap sa facebook na milyon milyon ang tao pero ikaw lang ang hanap ko.
Nang ikaw ay mahanap, biglang may kung anong malikot na daliri ang nangangalikot sa cellphone ko at nasend sayo ang mensaheng hindi ko akalain magagawa ko. At hindi na ako nag paligoy-ligoy pa, nanligaw na ako baka kasi maunahan pa ako ng iba. Lumipas ang araw, linggo, buwan.. at sa wakas nakuha ko na ang OO na inaasam ko. Sa una nag kaka-ilangan pa, sa una nangangatog pa, sa pangalawa.. totoo na.. mahal na kita. Naalala mo pa ba? Yung natulog ako sainyo at pinagalitan tayong dalawa. Tawang tawa tayo sa nangyari at hindi ko na kailangan mangako pa na hindi ko kakalimutan ang mga araw na kasama kita dahil nakatatak na sa isip ko yun sinta.
Pero dumating na yung araw na kinakatakutan ko, pero hindi ko alam kung bakit ako yung unang bumitaw. Ako pa, bakit ako pa?.
Mahal, alam ko nasaktan na kita, pinaiyak na kita, pero mahal ikaw lang.. ikaw lang ang gusto ko.. ikaw lang ang mahal ko at isisigaw ko sa mundo na mahal na mahal kita.
Mahal, handa akong mag hintay hanggang sa araw na handa ka na ulit mag mahal.
Mahal, nandito lang ako.. sana may pag asa pa para sa atin'g dalawa.
Mahal, patawad kung nasaktan kita.
Hindi ako aalis sa tabi mo, kahit ipagtabuyan mo pa ako, kahit magalit ka pa, hindi ako aalis.. mag hihintay ako hanggang yakapin mo ulit ako.
Mahal, kung ayaw mo na... kung ayaw mo pa.. at sabi mo mamahalin mo muna ang sarili mo pero mahal sana hayaan mo akong mahalin parin kita. Hayaan mo akong ipadama sayo ang salitang mahal kita, ikaw lang talaga.
Mahal, sana kung hindi ito ang tamang panahon para sa ating dalawa pero sana dumating yung araw na piliin mo ulit ako at ipinapangako ko na tayo na hanggang pagtanda, at ikwekwento natin to sa mga apo natin na kung paano tayo nag away dahil sa pride at nauwi parin tayo sa you may now kiss the bride.
Pero mahal sa ngayon.. sana may pag asa pa..
Sana samahan mo ulit ako sa pag buo ng ating kastilyo. Ang una nating kastilyo na parang buhangin na hinampas ng alon at gumuho. Pero sa susunod kung may susunod pa.. ang kastilyong buhangin ay gagawin nating tanawin. Napakaganda, kahit na may dumating, at sumira nito mananatili paring tanawin na ani mo'y walang nasira pero mas tumibay na at hindi na muling guguho pa.
Patuloy parin akong lalaban at ipaglalaban ko ang pagmamahal na pinangako ko sayo,
Sa kabila ng lahat ay buong buo ko parin masasabi sayo..
Mahal, makinig ka sa bibitawan ko..

Mahal kita..

Pero sana maging masaya ka sa kanya dahil malaya ka na.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now