"Bahala na si Karma"

23.7K 245 18
                                    

"Bahala na si karma"

-
Hello,
Hi,
Kamusta?
Ang mga unang tanong mo saakin bago nag karoon ng.. tayo
Ang unang beses na nag reply ako sayo at nakatanggap ka ng mensahe mula saakin.
Nag reply ka ulit at ako naman ay kilig na kilig na tila ba'y wala ng bukas, na tila ba'y wala ng susunod..
Ilang araw ang lumipas nanligaw ka..
Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam ang bawat sasabihin dahil di'ko alam ang mararamdaman. At pagkalipas ng ilang araw ay nag karoon na ng..
Tayo,
Oo, tayo. Dahil pakiramdam ko gusto na kita, hindi ako nag dalawang isip na sagutin ang tanong mo dahil simula pa lang nandito ka na sa isip ko.
Simula pa lang nandito ka na,
Nang mag simulang mag karoon ng tayo ay sobrang saya ko dahil meron ng ikaw at ako..
At simula non nangako ka,
Nangako ka na hindi mo ako iiwan,
Nangako ka na hindi mo ako paiiyakin,
Nangako ka na ikaw at ako lang,
At wala ng iba pa.
Pero natapos ang lahat ng sinabi mong "break na tayo"....
Nang mabasa ko ang linyang yan ay bigla na lang huminto ang oras at  may tumulo mula sa aking mga mata ng hindi ko man lang napansin, nag taka ako. Dahil bakit? Ano bang nangyari? Ano ba ang kasalanan ko? Sabi mo kahit ano mangyari hindi mo ako iiwan pero bakit? Bakit?
Wala pang isang linggo ng iwan mo akong luhaan ay meron ka ng bago, na parang hindi nag karoon ng ikaw at ako.
Na parang wala lang ako sayo?
bakit mo ako ginaganito?
Sa pagkakaalam ko wala naman akong kasalanan sayo?
Pero bago matapos ang tulang to ay gusto ko lang sabihin sayo na minahal kita kahit laro mo lang to, na minahal kita kahit ginago mo lang ako..
Pero, hindi pwedeng dito lang ako.
Hindi pwedeng iiyak at iiyak lang ako.
Hindi ikaw ang mag papahinto ng buhay ko.
Dahil buhay ko to
Hihinto lang to pag wala na ako.
Kaya mag saya ka na dahil..
Bahala na si karma sayo!














Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now