[1] Writer's Block

2.5K 30 16
                                    

[1] Writer's Block

Inspired by: Writer's block

Dedicated to: writers with writer's block

Maghapon siyang nakaharap sa isang maliwanag na screen

upang maihayag lang ang kaniyang mga nais sabihin

sa mundong kung minsan siya'y pinagkakaitan

ng panahon upang kaniyang hinaing ay pakinggan.

Ngunit ano ito?! Tila yata ang cursor ay kanina pa kumikindat

sa manunulat na nais lamang magbigay ng kuwentong magmumulat

sa mga mamamayan ng kaniyang minamahal na bansa

upang ang inaasam na pagbabago ay unti-unti nang madama.

Gusto niyang magsulat nang magsulat nang magsulat

ngunit ngayon sa mga salita ay salat.

Itinigil niya sandali ang pagtipa ng pilit

saka huminga nang malalim at pumikit.

Tumayo siya't iniwan sandali ang kaniyang kinauupuan

upang pagmasdan ang mundong ginagalawan.

Noon di'y nalunod ang kaniyang kaluluwa sa mga isipin

na siyang nagpaalalang muli ng tunay niyang layunin.

Napagtanto niyang hindi dapat laging idinadawit

ang pangalan ng sikat na sikat na sakit

sa biglaang pagtigil ng kuwentong mula sa imahinasyon

dahil ang karamdamang ito ay isa lamang ilusyon.

November 4, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now