[82] Sorry

280 6 0
                                    

[82] Sorry

Inaalay ko: sa kanya, sa kanila, doon sa isa, sa katabi mo, sa 'yo.

Hello. Ako nga pala si Animei Yamamoto.

Katulad mo, naiinis din ako sa introduction ko.

Sa paglipas ng panahon ay patuloy na tumatanda

pero 'pag nakausap mo'y para pa ring isang bata.

Kausapin mo ako ng lokohan at tiyak na gaganti ako

dahil ayaw ko namang isipin mo na snob ako sa 'yo.

'Wag ka ring mahihiyang makipag-usap nang masinsinan,

kahit na magulo ako, nagseseryoso rin ako 'pag kailangan.

Kung isa ka man sa mga naperwisyo ng mga pm(s) ko noon,

gusto kong mag-sorry dahil nag-iba na rin naman ako ngayon.

Para sa 'yo, kinaltukan ko na ng ilang beses ang aking sarili.

Uulitin ko lang baka makalimutan mo, gusto kong mag-sorry.

Ang mga good morning, good afternoon, at good evening ko,

ay isang paalala lang na gusto ko pa ring makipag-usap sa 'yo.

Pero ngayon, nagpasya na akong itigil na ang gano'ng gawain

kasi hindi ko talaga maitatanggi na ang sakit talagang ma-seen.

Simula ngayon, ayoko nang mag-umpisa ng mga usapan

lalo na kung ramdam ko naman na ayaw mo 'kong kausap.

Kung nainis man kita sa pagpaparamdam ko nang paulit-ulit

'wag ka nang mag-alala dahil hinding-hindi na 'ko mangungulit.

April 4, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Pm(s). Private message(s) hindi PMS. HAHAHAHAHA

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now