[75] Isang Linggong Fighting Spirit

219 5 0
                                    

[75] Isang Linggong Fighting Spirit

Inaalay ko sa: fighting spirit ng mga Earthlings ngayong 2017. Inaalay ko rin ito sa sumulat ng kantang, "Isang linggong pag-ibig". Diyan ko kinuha ang title pero walang kinalaman ang tula sa nasabing kanta. Wala ring tono 'to kaya... blah blah blah. Basta, thank you po. Hahaha. ('Di ko na ma-explain, inaantok na kasi ako. Lagi naman.)

Linggo. Sama-sama nilang sinalubong

ang pagpasok ng panibagong taon.

Lunes. Iisa lang ang kanilang sinasabi:

"Oh, 2017. Please be good to me!"

Martes. Sa paggawa ng gawai'y ginaganahan

kaya puro check na naman ang nasa 'listahan'.

Miyerkules. Ang fighting spirit ay nagkaro'n ng bawas,

pero tuloy pa rin kahit nangangalahati na ang gas.

Huwebes. Nag-uumpisa nang pumikit-pikit ang mga mata

pero magigising din dahil sa pag-iisip ng 'bagong simula'.

Biyernes. Bumabalik na naman sila sa dati nilang gawi

at konti na lang ay baka hindi na naman makontrol ang sarili.

Sabado. Medyo pumapalya na sa pagsunod sa listahan

kaya ang pagmamahalan ng lahat na lang ang pinaglalaban.

Tapos na ang isang linggo at ubos na rin ang gas.

Sa mga susunod na araw ay mayroon pa bang lakas?

Parang kailan lang ay kumasa ang lahat sa iisang hamon,

na lahat ay magsisikap para magbago ngayong taon.

Kumusta nga kaya ang kuwento ng kani-kanilang unang linggo?

Ilang New Year's resolutions kaya ang matutupad at mabibigo?

January 7, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now