[80] Nakakasawa rin pala

342 7 0
                                    

[80] Nakakasawa rin pala

Inaalay ko sa: araw na 'to.

Nakakasawa rin palang mag-isip ng puro positibo.

Nakakasawang pigilan ang sarili na magreklamo.

Nakakasawang magmukhang tanga sa araw-araw.

Nakakasawang mapagdamutan ng sariling pananaw.

Nakakasawang mamroblema ng kung anu-ano.

Nakakasawa ang mahusgahan ng kung sino.

Nakakasawang palakasin ang loob sa lahat ng oras.

Nakakasawang mag-alala sa mga mangyayari bukas.

Nakakasawang magpanggap na masaya.

Nakakasawang magpigil ng mga luha.

Nakakasawang maramdaman ang inggit.

Nakakasawang malunod sa mga iniisip.

Nakakasawang ngumiti kahit na nasasaktan.

Nakakasawa ang mahabang katahimikan.

Nakakasawang sabihin ang linyang, "Kaya ko pa"

kahit na ang totoo naman ay nahihirapan na.

Nakakasawa kung wala ni isang nakakaintindi.

Nakakasawang umiyak nang umiyak tuwing gabi.

Akala ko, makakaya ko lahat pero nakakasawa rin pala.

Nakakasawang harapin ang lahat ng ito ng mag-isa.

March 15, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ