[71] Pokemon Go to Pokemon No?

288 6 2
                                    

[71] Pokemon Go to Pokemon No?

D's note: Sa pangatlong pagkakataon, Pokemon pa rin ang update ng Ako'y Tutula ngayong August. Kung hindi mo pa rin trip, okay lang na layasan mo na ako. Kung trip mo pa ring basahin, alam ko namang hindi kita mapipigil. At kung ang pagkantiyaw talaga sa isang Pokemon fan ang hobby mo, wala naman akong magagawa sa 'yo. Basta sa letter "P" nag-uumpisa ang pangalan ng favorite Pokemon ko at hindi siya si Pikachu.

Dahil sa Pokemon Go, natuwa ang mga fan

at ang mga nakiki-fan ay ganoon din naman.

Para na kasi talagang totoo

ang naimbentong bagong laro.

Dahil sa paglalaro ng Pokemon Go,

nakapagligtas ng buhay ang isang tao.

Dahil sa Pokemon Go, may nabuong pag-iibigan

at dahil din sa Pokemon Go, nagkaroon ng hiwalayan.

Dahil sa Pokemon Go, nahumaling na rin ang iba

na maglaro nito kahit noong una'y hater sila.

Dahil sa Pokemon Go, nagkaroon na ng kumpetisyon

sa pagpaparamihan ng nahuling mga Pokemon.

Dahil sa Pokemon Go, may nakitang patay sa kung saan,

hindi na kasi makatingin ng maayos ang gamer sa daan.

Dahil sa Pokemon Go, nakayuko na lang palagi ang mga tao

sa hawak-hawak nilang high-tech na telepono.

H'wag na sana nating hintayin pa

na magaya ang app sa giyera kontra-droga.

At kung magpapatuloy ang masamang epekto nito,

ang Pokemon Go ay 'di malayong maging Pokemon No.

August 19, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

At dito ko na tinatapos ang munting kuwentuhan natin tungkol sa mga Pokemon.

*bow*

-Pichu <3

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now