[10] Nasaan ka forever?

539 10 2
                                    

[10] Nasaan ka forever?

Inaalay ko pa rin sa mga: taong hindi maka-move on sa tanong tungkol sa forever. Part two din ito noong tula kong May forever ba o wala?

(Pagpapatuloy...)

"Walang forever kasi lahat naman tayo, mamamatay."

"Meron pa rin kung naniniwala ka sa kabilang buhay."

Ganito sana ang inaasahang mga sagot na mababasa ng umawat,

ngunit dahil bigo'y nagpahayag na rin para matapos na ang lahat.

May iilan pang nagkomento sa tanong ngunit ang iba'y umalis na,

tila nagising sa katotohanan ang iba dahil sa kanilang nabasa.

Ngunit ang katahimikan sa kaniyang News Feed ay nanaig lang saglit

sapagkat isang tanong na naman ang biglang pumuslit.

"Nasaan ka forever?"

Wala na talaga. Game over.

"Dito. Nandito po sa puso ko."

"Don't worry, on the way na po ako."

Napailing na lang siya sa mga komento ng mga bata.

Sa pagtatanong tungkol sa forever ay tila mga walang sawa.

Bakit nga ba ito ay kanilang laging hinahanap?

Ganoon na ba sila kasabik sa mga mangyayari sa hinaharap?

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.

Pinilit niyang sa isip ay mabigyan ng katarungan.

Bakit nga ba sa ganitong usapin sila ay aktibo

dahil ba ito ang patok na patok ngayon sa publiko?

November 10, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now