[7] Isang masayang kuwento...

626 11 1
                                    

[7] Isang masayang kuwento...

Inaalay ko sa: mga pinsan at mga kalaro ko noong kapanahunan ko. Lol. Sa mga batang naranasang mag-amoy araw dahil sa kalalaro dati. (O mag-amoy-mandirigma kung gusto n'yo. Nyahaha.) At sa mga alagad ng musika na gumawa at kumanta ng kantang "Dati". Na-inspire akong isulat ito dahil sa kantang 'yan. Maraming salamat po.

Maaga siyang namulat sa lugar na kaniyang kinagisnan.

Itinuturing niya itong paraiso dahil sa kaniyang mga kaibigan.

Hindi na mabilang ang mga araw na umuwi siya na may mga galos,

isang patunay noon na siya ay dumaan sa pagiging isang musmos.

Tuwing umaga'y nagmamadali siyang pumunta sa bahay-kubo,

para makipaglaro ng taguan, habulan, manika o laruang sundalo.

Maglutu-lutuan, magbahay-bahayan at magpalipad ng saranggola,

o maging super heroes na takip ng kaldero't sandok ang sandata.

Ngunit minsa'y 'di maiwasan ang mga away o tampo sa mga kalaro,

dahil ayaw pahiramin o sinasadyang patamaan ng holen o trumpo.

Makalipas ang ilang minuto'y bati-bati na naman para magbisikleta,

magpiko, sikyo, batuhang-gitna o gugulong-gulong na lang sa lupa.

Hindi na mapaghiwa-hiwalay na para bang nilagyan ng pandikit.

Asahan mong magkakasama pa rin 'yan kahit ang isa'y may sakit.

Sama-samang kumakain kasabay ng mga tawanang walang patid,

sa tingin ng lahat ng nakakikita, sila ay magkakapatid...

Ang mga nangyari noon ay kinukuwento na lang niya ngayon.

O, kay bilis ngang talaga ng panahon.

Mga alaalang walang araw na hindi niya ginugunita,

ito ang isang masayang kuwento ng kaniyang pagkabata.

November 8, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now