[77] Nakaw na Pagkatao

253 5 0
                                    

[77] Nakaw na Pagkatao

Inaalay ko sa: mga nagtatago sa anino, talento, at pangalan ng ibang tao. :<

May mga akdang simple, sakto lang at pinaghirapan

ng mga taong nasa likod ng iba't ibang pangalan.

Maaaring hindi mo sila personal na kakilala

pero ang pagkatao nila'y makikita sa kanilang akda.

Anak ang turing ng lahat sa kani-kanilang mga katha,

kaya 'pag kinuha sila'y magagalit ang mga 'ama' at 'ina'.

Sino nga bang matutuwa sa ganoong kalokohan?

Ang 'anak' mo'y aangkinin nang walang pakundangan?

Nagpasyang magsulat pero sumuko sa kalagitnaan,

kaya naghanap na lang 'gawa na' para 'di na mahirapan.

Nagnakaw dahil gusto ring mapuri ng ibang tao.

Napuri pero hindi dahil sa sariling talento...

Naniniwala akong taglay ng mga akda ang kaunting piraso

ng pagkatao ng sumulat bukod sa ginamit na istilo.

Kaya nagkapagtataka kung bakit bigla itong napupunta sa iba

kahit na alam naman ng lahat na iba ang 'boses' na taglay nila.

May mga akdang simple, sakto lang at pinaghirapan

na siyang naglalaman ng kuwento bago maisulat.

Oo nga't may mga magkakahawig na mga kuwento

pero walang mga kuwento na parehong-pareho...

January 12, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now