[32] Impluwensiya

356 6 1
                                    

[32] Impluwensiya

Inaalay ko sa mga: biktima at promotor ng "impluwensiya" na lumalason sa mundo.

Alam mo ba, dati ang pagpili ng hinahangaan

ay hindi nakabatay sa hitsura kundi sa taglay na kakayahan?

Alam mo rin ba, na dati ang pagkakawang-gawa

ay nililihim na lamang sa sarili at laging udyok ng pagkukusa?

Alam mo ba, na kadalasan ang musika ay dapat galing sa puso

at hindi dahil sa trip lang gumawa dahil makikisunod sa uso?

Alam mo rin ba, kung gaano kasaya ang mga dating manunulat

kapag nailimbag na ang mga salitang halos taon din nilang isinulat?

Alam mo ba dati, ang mga pagkain na nakahain sa lamesa

ay ipinagpapasalamat at 'di na ipinapakita pa sa social media?

Alam mo rin ba, dati nabubuhay naman nang maayos ang mga tao

kahit na walang hawak-hawak na mamahaling telepono?

Alam mo ba, dati na ang simple-simple lang ng buhay dito sa mundo

at walang lugar para sa lahat ang hindi maubos-ubos na luho?

Alam mo rin ba, dati sobrang halaga para sa lahat ng moral

at hindi ang nagmumura sa wikang Ingles ang totoong may-aral?

Ano na ba talaga ang nangyayari?!

Hay. Wala na akong masabi...

Araw-araw ay patuloy na lamang bang darami ang mga biktima

ng mga "pagbabago" na isa palang masamang impluwensiya?

December 4, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now