[18] Tulog na

390 8 0
                                    

[18] Tulog na

Inaalay ko sa: antok ko na hinehele na ako ngayon habang nagta-type nito. (^~^) Inaalay ko rin ang tulang ito sa mga taong kailangan na kailangan din ng tulog dahil sa pagod at puyat na nararamdaman nila sa mga oras na ito. Tulog na tayo mga beh~ Nyahaha.

Ang katahimikan na ng paligid ang nagsasabi,

matulog ka na sapagkat mapayapa ang gabi.

Bukas mo na ulit isipin ang iyong mga problema

at tandaan din na hindi lang ikaw ang may dinadala.

Makapaghihintay naman ang lahat

ng bagay sa iyong muling pagmulat.

Hindi mo kailangang mag-isip nang mag-isip,

mahalin mo muna ang sarili mo't managinip.

Tulog ang kailangan mo sa mga susunod na oras,

nang sa gayon ay makaharap mo ulit ang bukas.

Kaya't pumunta ka na ngayon sa iyong tulugan,

ipayapa ang isip at humiga sa malambot na unan.

Paggawa ng mga bagay-bagay ay h'wag na munang ipilit.

Masarap matulog kaya naman mata'y siya nang ipikit.

Kung gusto mo'y mamaluktot ka pa sa iyong kumot,

pawiin ang puyat at pagod, kumalma ka dahil hindi ka robot.

Ngayon ang iba'y nasa kanilang panaginip na at naglalakbay,

at kinabukasan naman ay ipagpapatuloy muli ang buhay.

Kaya naman ngayon ay matulog ka na,

dahil tulad ng iba, karapatan mo ring magpahinga.

November 17, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now