[2] Filipino Time

1.4K 27 6
                                    

[2] Filipino Time

Inspired by: Filipino Time

Inaalay ko sa mga: taong guilty sa pagiging late, sa mga kaklase kong palaging late sa usapan at sa sarili ko dahil minsan late din ako. Hihi.

Ang usapang alas-syete

ay asahang magiging alas-nuwebe.

Ang mga kausap ay nagpapaligsahan

na para bang may premyo sa pagpapatagalan.

Katahimikan ng paligid ay iyong madarama

lalo na kapag ikaw palang ang naghihintay mag-isa

sa lugar na napagkasunduan n'yong paghintayan

ng iyong mga magagaling na kaibigan.

Sa paghihintay mo ay nakagagawa ka na ng tula

ngunit mga pamilyar na mukha'y 'di pa rin makita.

Nagpasya kang tumayo upang mawala ang inip,

magpabalik-balik sa kung saan habang nag-iisip.

Darating ba sila o hindi?

Oo, hindi. Oo, hindi.

Kung oo'y anong oras?

Kung hindi'y baka bukas?

Bakit nga ba sanay tayo sa ganitong gawain,

mga kakilala'y ang hilig paghintayin?

Sa ngayon ay isang dahilan lang ang naiisip ko,

iyon ay dahil sa tayo'y mga Pilipino.

November 5, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now