[45] Ang galing mo 'no?

322 5 0
                                    

[45] Ang galing mo 'no?

Inaalay ko sa: mga taong magagaling daw. Inspired 'to sa napanood kong mga basketball players na magaling pati ang ugali at sa coach na... mas magaling sa kanilang lahat. Tama lang iyong nakuha nila sa dulo. Ang galing kasi. Maniwala ka sa akin. Walang kinalaman sa basketball pero nakasentro sa mga the best. Hehe.

Nag-uumpisa ka pa lang ngunit bakit hindi na agad kita maabot?

Ang ugali bang iyo'y mayroong kakaibang sayang naidudulot?

Sa bawat pag-usad mo sa landas na iyong tinatahak

ay kasabay naman nito ang iyong pagmamalaki at panghahamak.

Ang bawat tagumpay at mga natatamong gantimpala

ay mabilis mo ring ipinamamalita sa iba.

Wika mo'y: "Ang lahat ng ito'y nararapat lang sa akin."

At ang tanging nasambit ko na lang ay: "O, mahabagin!"

Sa bawat tanong ko'y palagi ka na lamang may naisasagot,

ayos na sana kung tama lang ang iyong mga paghugot.

Ang tingin mo sa sarili ay sobra-sobra na ang galing

na ikinatutulala ko na lang at ikinaiiling.

Sa sobrang taas mo'y hindi ko na alam kung ikaw pa ba 'yan.

Ang galing mo 'no? Naaalala mo pa ba ang iyong mga kaibigan?

Pwedeng oo, pwedeng hindi na at pwede ring hindi na talaga.

Ano man ang maging sagot mo'y hindi ko na aasahan pa.

Paano kung ang iyong tagumpay ay isa palang pagsubok

na magpapayuko sa iyo sa alikabok o pananatilihin ka sa tuktok?

Bakit hindi ka na lang manahimik at hayaan ang iba na dumaing,

iyon ay kung karapatdapat ka ngang ituring na magaling.

January 5, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon