[31] Kaya ko rin 'yan

376 6 3
                                    

[31] Kaya ko rin 'yan

Inaalay ko sa mga: taong nagsasabi sa akin palagi ng ganitong linya. Special mention ang pagsusulat ko. Kaway po. Wow, fantastic baby!~ :D

"Kaya ko rin 'yan."

"Kaya rin kitang higitan."

"'Yan lang naman ang ginagawa mo."

"Makakaya ko ring magawa ito."

Muli, ako na naman ay nasaktan

sa mga salitang kaniyang binitiwan.

Ako ba ay may maling nagawa sa kaniya

o 'di kaya'y sa akin ay may itinatago siyang problema?

"Tula lang naman" daw

na kaya niya ring gawin buong araw.

"Kuwento lang naman" daw 'yan

na kaya niya ring mapantayan.

Sa akin at sa mga naisulat ko ay medyo galit na siya

pero patuloy pa rin naman siya sa pagbabasa.

Hindi man siya nag-iiwan ng mga komento,

mga saloobin naman niya ay alam ko.

Sa mundo ng pagsusulat ay maituturing na gintong turo

ang pagpapahayag ng mula sa puso

at higit sa lahat, ito ay hindi isang kumpetisyon

kundi isang sining na kakabit ng dedikasyon.

December 3, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon