[73] Queen ARL

227 5 0
                                    

[73] Queen ARL

Inaalay ko sa: remaining 40 hours and 47 minutes sa Daily Time Record ko bilang student assistant.

Status: Nagpapahinga muna kaya gumagawa ng tula. :D

Grade 1 ako noong makilala ko siya

sa pamamagitan ng kanyang musika.

Simula noon, isa na siya sa mga idolo ko

kahit na 'di ko pa nakikita ang kanyang anyo.

Sa studio 23, paulit-ulit ang kanyang music video,

dahilan para ang kantang "Complicated" ay makabisa ko.

Sa panonood noon ay doon ko pa siya lalong nagustuhan.

Pananamit niya kasi'y walang halong kaartehan.

'Di nagtagal, nasundan naman ito ng isa pa,

"Skater Boy" naman ang pamagat ng panibago niyang kanta.

Sa akin, mga obra niya'y iisa lang ang epekto;

musika niya'y palaging tumutugtog sa mga tainga ko.

Ngayo'y tatlumpu't dalawang taong gulang na siya,

pero parang hindi pa rin naman siya tumatanda.

Kung wala siya'y marahil nasa ibang landas na ako

at patuloy pa ring naghahanap ng susundang tao.

Ilang taon na rin pala simula noong araw na iyon,

impluwensiya niya sa buhay ko'y makikita pa rin ngayon.

Kaya naman ang tulang ito ay para sa aking hinahangaan,

Queen Avril Ramona Lavigne, maligayang kaarawan.

September 27, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaМесто, где живут истории. Откройте их для себя