[78] Ang Buhay sa Social Media

1.7K 6 0
                                    

[78] Ang Buhay sa Social Media

Inaalay ko sa: lahat ng netizens.

Magmula sa status updates, quotes, jokes at pati mga hugot,

halos lahat ng kuwento, malalaman mo na sa mga posts.

Kung may gusto kang alamin, makukuha agad sa isang click.

At kung bitin ka pa ay naglipana lang ang napakaraming links.

Nagpapaligsahan para sa first comment sa comment section,

habang ang iba'y nakikipag-away sa pagbabahagi ng opinyon.

Wala namang nananalo pero wala ring may balak na sumuko.

Ito na ba ang matatawag na modernong 'pakikipagkapwa-tao'?

Palagi na lang may scoop sa buhay ng may buhay

na siyang pinagmumulan naman ng matinding away.

Hashtag ganito para sa hinahangaang tao o grupo.

Hashtag ganyan para sa nakakasakit na komento.

Busyng busy sa pag-iisip ng ilalagay na 'astig' na caption

sa isang picture na kinunan sa isang partikular na okasyon.

Nakahanda na ang mga ipo-post para sa Throwback Thursday.

Pero 'di pa ro'n nagtatapos dahil mayro'n pang Flashback Friday.

Kanta, sayaw, o kahit trip ay asahang laging may bago.

Kaya ang iba'y 'di na mapakali para makasabay lang sa uso.

Ganito ang araw-araw na takbo ng buhay sa social media.

Paulit-ulit nga lang hanggang sa mga susunod pang umaga.

March 11, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon