[35] Kalam (Kaunting Silip)

313 5 1
                                    

[35] Kalam (Kaunting Silip)

Inaalay ko sa: mga kumakalam na tiyan ng bawat Pilipino. Isa itong kaunting silip sa gagawin kong kuwento sa hinaharap. :)

Paggising sa umaga'y nais na niyang kumain agad sa hapag

ng mainit at humahalimuyak na piniritong itlog at sinangag.

Hindi man ito kasing sosyal ng iba pang mga almusal,

ipinagpapasalamat niya pa rin ito sa pamamagitan ng isang dasal.

Matapos ang munti niyang fiesta ngayong umaga

ay binalot na naman ng isipin ang kalooban niya.

Sa "kabilang dako" ba'y ano kaya ang nangyayari?

At sa oras ding iyon ay nagkuwento muna siya sa sarili:

Sa "kabilang dako" ay may isang tao ring nag-aagahan,

at makalipas ang ilang segundo'y maraming didiretso sa basurahan.

Sa labas ng kaniyang tahanan ay mayroong mga taong nag-aabang

para makakuha ng pagkain sa kaniyang tapunan kahit kaunti lang.

Ilang oras pa ang lilipas sa mahiwagang orasan

ay maghuhudyat naman ng tanghalian.

Ganoon pa rin ang takbo ng istorya,

malayo ang agwat ng tanghalian ng mayaman at dukha.

Ngayon ay hapunan na at ang mga tiyan ay muling kumakalam.

Ang biyayang pinagsasaluhan nila'y wala ni isa mang nakaaalam.

Isang mapait na katotohanan na ang itinuturing ng ibang basura

ay isang nag-uumapaw namang biyaya sa mga dukha...

December 7, 2015

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon