[74] Dear Future Bes

250 5 0
                                    

[74] Dear Future Bes

Inaalay ko sa: future bes ko. :D

P're, dre, bhe, 'tol, bes, kambal...

isang taong parang kalahating ikaw.

Ang gusto mo ay gusto rin niya.

Ang ayaw mo ay ayaw rin niya.

Siya ang magsisilbi mong batang kapatid, ate o kuya,

at pwede ring nanay, tatay o ikalawang pamilya.

Siya ang halos minu-minuto mong kaalitan

pero siya rin ang kasa-kasama mo sa kalokohan...

Pangarap ko nang magkaro'n noon nung bata ako

pero hanggang ngayon, wala pa rin ang kakambal ko.

Sinubukan kong maghanap noon nang ilang ulit,

at paulit-ulit din akong nabigo dahil sa pagpupumilit.

Hanggang sa nakuntento na akong mag-isa

at maging masaya na lang para sa iba.

Tanggap kong may mga bagay na wala ako

na siyang ipinagkaloob naman sa ibang tao.

"Dear future bes, nasaan ka na kaya?"

'Yan sana ang gusto kong itanong sa kanya.

Pero sa pagkakataong 'to hindi ko na siya hahanapin,

dahil gusto kong siya naman ang humanap sa akin.

January 6, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Ito ang alamat ng nawawalang bes.

Ako'y TutulaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin