[76] Blangko

248 6 0
                                    

[76] Blangko

Inaalay ko sa: mga blangko kong papel.

May gusto sana akong ikuwento ngayong gabi

pero ang mga salita sa isip ko'y hindi ko masabi.

Gustung-gusto ko na rin sana itong maisulat

ngunit ayaw namang makisama ng aking utak.

Nakakatakot pagmasdan ang blangkong pahina

at nakakainis ding titigan dahil wala ni isang salita.

"Bakit wala na naman akong maisulat?"

"Hay. Heto na naman tayo sa writer's block."

Ilang oras na rin ako rito at ito na ang pangatlo kong tula.

'Wag mo nang hanapin ang dalawa dahil tinigil ko muna.

Bigla silang nagpaalam matapos kong bigyan ng pamagat.

Sana, sa mga susunod na gabi'y madugtungan ko na lahat.

Gusto kong magbilang: isa, dalawa, tatlo, apat, lima...

Pero teka, hindi ko na alam kung ilan na nga ba sila.

Nalulungkot akong makita ang mga tulang hindi pa buo.

Sandali lang, ubos na ba ang tinta ng panulat ko?

Tungkol sana sa Nakaw na Pagkatao at Pagbabalik-tanaw ito

pero ayos na rin dahil may naisulat pa rin ako kahit paano.

Nakakatawa na ang mga salita sa isip ko na hindi ko masabi

ang siyang nagkaroon ng tula at ikinuwento ko ngayong gabi.

January 8, 2017

Ako'y Tutula by Darloine

Darloine: Sana matapos ko ang Nakaw na Pagkatao o Pagbabalik-tanaw bukas. Omg. Nalabanan ko ang writer's block? :o

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now