[53] Ang galing-galing

259 4 0
                                    

[53] Ang galing-galing

Inaalay ko sa: mga taong magagaling... five times a week. Hooray... (-__-)/

Sa isang malayong lugar ay iyong matatagpuan,

ang mga taong nasalo raw halos lahat ng kakayahan.

Sa ibang tao'y hindi na nila kailangan pang magtanong

'pagkat alam na alam na nilang lahat kaya ayaw na nila ng tulong.

'Pag nakita mo sila'y awtomatiko kang mapapadpad sa isang tabi

dahil tila mga diyos at diyosa ang tingin nila sa kanilang mga sarili.

Kaya naman maging ang simple nilang paghalakhak o pag-iyak

ay obligado kang makiisa para pumalakpak.

Ang mga simpleng bagay sa kanila'y biglang lumalaki.

Gumawa ka man ng tama o mali, mayroon pa rin silang masasabi.

Ang bawat kilos mo'y parang palagi na lamang may nakamasid.

Animo'y mga taong simula't sapul, namumuhay na ng matuwid.

Walang araw na sa mga mata nila'y hindi ka makakatakas

dahil nung minsang lumaban ka'y itinuring ka ng isang pangahas.

Walang humpay ang panghahamak nila sa iyong pagkatao

na para bang ngayon ay ipinararanas na sa iyo ang impiyerno.

Ito ang isang madilim na kaganapan

para sa mga taong dati'y namumuhay sa katahimikan.

Dahil ngayo'y dapat "sila" lagi ang nasa tama at laging bida.

Kung gayo'y sige... sila na talaga.

February 29, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now