[60] Anibersaryo

285 4 0
                                    

[60] Anibersaryo

Inaalay ko sa: kauna-unahan kong kuwento rito sa Wattpad. Nalulungkot ako na natutuwa sa araw na 'to. Nalulungkot ako kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maayos 'yung totoong karugtong ng Prologue noon pero natutuwa naman ako kasi naaalala ko 'yung dating ako na tumipa ng mga salitang nandoon. Grabe, ang bilis pala talaga ng panahon... Happy Anniversary, Animeited Story! :D (Mukhang sabay pa kaming ga-graduate. Hahaha.)

Isang komplikadong kuwento

sa isang maikling prologo.

Isang kuwentong puno ng katatawanan

na nakasulat sa kuwadernong pinagpasa-pasahan.

Isang kuwadernong ipinabasa ko

sa tatlumpu't pitong tao.

Nandoon ang mga komento nilang nakakatuwa

at ang kabi-kabila nilang mga suporta.

Ngunit lumipas ang ilang araw, linggo, buwan...

ang tatlumpu't pitong taong iyon ay nasaan?

May iilan pang nagpaparamdam

at ang iba'y hindi ko na alam.

Halos lahat kami'y sobrang naging abala.

Masakit pero kailangang huminto sa pagtipa.

Hanggang sa abutin na ng isang taon,

ang aking bagong kuwento'y napaglumaan ng panahon.

Alam kong matagal na 'yon at marami-rami na rin ang nangyari

pero malinaw pa rin hanggang ngayon ang "plano" sa aking sarili.

Ang pagsusulat noon ay hinding-hindi ko susukuan

dahil ang mundo sa kuwentong iyon ay akin nang babalikan...

March 7, 2016

Ako'y Tutula by Darloine

[O, summer 2016... dumating ka na. <(*u*)>]

Ako'y TutulaWhere stories live. Discover now